BAGUIO CITY – Naging makabuluhan ang pagdiriwang sa 41st National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week sa La Trinidad, Benguet.
Nagsimula ang okasyon noong Hulyo 16 sa Municipal Gym at ito ay nakatakdang magtatapos ngayong araw.
Ayon kay Maria Lourdes Taguiba, focal person on Persons with Disability ng La Trinidad, ang aktibidad ay may temang “Lokal na pamahalaan:Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan”.
Ipinaliwanag niya na ang aktibidad ay para sa mga PWDs at ito ay isinasagawa bawat taon para malaman ang mga nangyayari sa mga may kapansanan.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng aktibidad ay mahihikayat ang publiko na respetuhin at tulungan ang mga PWDs.
Inilarawan ni Rassid Mencio, isang PWD sa La Trinidad ang aktibidad na makabuluhan para sa team building ng mga kapwa niya may kapansanan.