BAGUIO CITY – Ipinag-utos ni Mayor Mauricio Domogan ang pagdiriwang ng National Flag Days sa Baguio City sa pamamagitan ng Administrative Order No. 055 Series of 2019.
Ipagdiriwang ang aktibidad sa Mayo 28 hanggang sa Hunyo 12 at maisasabay din dito ang pagdiriwang sa Independence Day at Fil-Am Friendship Day.
Ipinag-utos ng alkalde ang pag-display ng mga pasilidad at mga establishments sa lunsod sa watawat ng bansa sa mga nasabing araw.
Isasagawa ang isang programa sa Emilio Aguinaldo Shrine sa Salud Mitra Barangay sa Mayo 28 habang gaganapin naman ang socio-civic parade sa Hunyo kung saan makikibahagi ang mga opisyal at empleyado ng siudad, gayundin ang mga beterano ng WWII, retirees, religious groups, opisyales ng mga babbarangay at iba pa.