-- Advertisements --
Tiniyak ni British Prime Minister Boris Johnson na matutuloy pa rin ang pagdiriwang ng kanilang mamamayan ng Kapaskuhan.
Ito ay dahil walang anumang paghihigpit na ipapatupad ang kanilang gobyerno dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.
Pinayuhan na lamang nito ang mga mamamayan na tuluyan ang gagawing pag-iingat gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Nitong Martes lamang kasi ay nagtala ng 90,629 na bagong kaso ng COVID-19 cases at 172 na ang nasawi.
Mayroon ding 15,363 na kaso ng Omicron ang naitala rin.