LA UNION – Pansamantalang sinuspende ng pamahalaang lungsod ng San Fernando, La Union ang mga aktibidad na may kinalaman sa pagdiriwang piyesta na magsisimula sana bukas Marso 10 hanggang Marso 31, 2020 matapos ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang National Public Health Emergency dahil sa paglaganap ng coronavirus diseases (COVID-19).
Sa official statement na inilabas ni San Fernando City Mayor Alfredo Pablo Ortega, na maliban sa postponement ng pagdariwang at palalahahan nito ang mga kababayan na sumunod sa mga protocol na ipinapatupad ng pamahalaan.
Nakikipag-ugnayan rin ngayon nga pamahalang panlungsod sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) kung sususpendihin rin ang klase sa mga paaralan.
Maglalagay din ng hygiene stations sa entrance at exit points sa lahat ng City Government facilities.
Hinihikayat rin ng alkalde na maglaan ng hygiene station sa mga business establishments.
Iginiit ni Mayor Ortega na nais lamang pangalagaan ng pamahalaan ang kalusugan ng mamayan sa pagpapatupad ng mga hakbang laban sa COVID-19.
Samantala, suspendido din ang “Bombo Singing Idol” na gaganapin sana sa lungsod ng San Fernando bilang pagtalima sa naturang kautusan ng pamahalaang lokal.