-- Advertisements --

founding

Simple ngunit makabuluhan ang pagdiriwang ng Philippine National Police (PNP) ng kanilang ika-30th Founding Anniversary.


Si Atty. Vitaliano Aguirre, ang bagong talagang Vice Chairman ng NAPOLCOM ang nagsilbing guest of honor and speaker.

Sa kanilang mensahe, naniniwala si Aguirre na panahong ngayon na tinaguriang extra-ordinary time ay nangangailangan ng extraordinary na PNP.

Ito ay dahil sa tindi ng pinagdaanan hindi lang ng PNP kundi ng ating bansa nitong nakalipas na taon.

founding10

Mula sa pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, dumating ang COVID 19 pandemic at mga sunod-sunod na kalamidad.

Aniya, dito nasubok ng husto ang kakayahan ng PNP.

Hinamon nito hindi lang ang Pamunuan ng PNP kundi lahat ng mga tauhan ng Pulisya na gawin ng tama ang kanilang Misyon.

Nananawagan si Aguirre sa hanay ng Philippine National Police na mas maging reliable at trustworthy upang matiyak na ang PNP ay tunay na nagbibigay serbisyo at proteksyon sa mamamayan.

Bago nagsimula ang inihandang Programa sa PNP Transformation Oval ay nag-alay muna si Aguirre ng Bulaklak kasama si PNP Chief Gen. Debold Sinas at mga miyembro ng Command Group sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa.

founding6

Nakiisa din ito sa mga presentation ng iba’t ibang mga Police Regional Offices.

Gaya ng tradisyonal na TADEK dance na iprinisinta ng mga tauhan ng Ilocos Regional Police Office.

Sa panig naman ni Sinas, kaniyang binigyang pugay ang 28 mga tauhan ng Pulisya na namatay dahil sa COVID 19.

Patunay umano itong nakahanda ang mga tauhan ng Pulisya na magbuwis ng kanilang buhay , magampanan lang ang kanilang tungkulin.

Aniya magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng pulis ang kanilang pagkamatay ngayong may COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat naman si Sinas sa lahat ng indibdiwal at ahensya ng gobyerno ma tumutulong sa PNP para sa kanilang Anti-criminality program, Anti- illegal drugs Anti- terrorism campaign laban sa pagkalat ng COVID-19.