KORONADAL CITY – Tinututukan ngayon ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang panibagong istratihiya ng mga teroristang grupo sa paglunsad ng pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Wesmincom spokesperson Major Arvin Encinas, ipinahayag nito na sinusundan na nila ang pinaniniwalaang babaeng mga suspek sa nangyaring pambobomba malapit sa military detachment sa Sulu at sa merkado publiko sa bayan ng Isulan.
Ayon kay Encinas, ang mga kuha sa CCTV sa Sulu ang nagpapakita na nakasuot ng abaya ang suicide bomber ngunit sa nakitang kamay umano sa blast site nagpapahiwatig ito bilang isang lalaki.
Samantala sa panig naman sa pagpapasabog sa Isulan, isang babae na nakasuot ng shorts, wig at shoulder bag ang pinaniniwalaang bomber ngunit may mga impormasyon na nagpapahayag na nag-disguise lang ito.
Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta DNA test sa suspek sa Sulu.
Habang mino-monitor din ang totoong identity ng suspek sa Isulan bombing.