-- Advertisements --

Naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang hindi lahat ng mga uri ng pisikal na pagdidisiplina ay isang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Ayon sa Supreme Court na ang labis na pagdidisiplina ay hindi dapat masira ang dignidad ng isang bata.

Sa inilabas na 14 na pahinang desisyon na ang pagdisiplina ng magulang sa kanilang mga anak ay hindi dapat labis, biolente at hindi tama sa kanilang pagiging makulit.

Nakasaad din na ang pamamalo sa bata kapag nakagawa ng mali ay hindi dapat maituturing na child abuse.

Ang nasabing desisyon ay pirmado ni Associate Justice Jhosep Lopez.

Nagbunsod ang kaso ng hatulan ang isang ama dahil sa labis na pagdisiplina sa 12-anyos anak nitong babae at 10-anyos anak nitong lalaki noong 2017 at 2018.

Pinagsisipa, sinabunutan at pinalo pa ng kahoy ang mga anak nito dahil umano sa ayaw nilang kumain ng pananghalian at ang pagkawala ng pera nilang iniipon.

Nakita ng SC na ang labis ang ginawang pagdidisiplina ng ama kaya kanila itong hinatulan.