-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Inaasahan na mapag uusapan nina pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bumibisitang si Indonesian President Joko Widodo ang paggagawad ng executive clemency para sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso na matatandaang may death row noon pang 2010 sa naturang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer sa Pangasinan, sinabi nito na ang pagbisita sa bansa ni Indonesian President Joko Widodo ay maituturing na farewell trip bilang presidente ng nasabing bansa dahil magtatapos na ang kanyang termino sa buwan ng Pebrero.

Kaya umaasa itong bago matapos ang presidential term ni Widodo ay mag iisyu ito ng executive clemency.

Sa ngayon ay wala pang nakakaalam ano talaga ang mangyayari kung papatawan ng death penalty o mananatili sa kulongan habambuhay si Veloso .
Kadalasan aniya, bago matapos ang termino ng mga pangulo ay naglalabas sila ng executive clemency kaya inaasahan na ito rin ay gawin ni Widodo para kay Veloso.

Sa kanyang nakikita pa ay walang problema ang Pilipinas sa Indonesia at wala ring gusot sa diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa. Sa katunayan ay sila umano ang nagtuturo kung ano ang gagawin ng bansa sa problema sa pinag tatalunang karagatan.