Binabantayan na ng mga awtoridad ang anumang paggalaw ng lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Ang MT Pincess Empress ay maaari umanong tumama sa Malampaya pipeline dahil sa paggalaw nito dulot ng malakas na current sa ilalim ng karagatan.
Ang ibang mga kumpanya ng langis ngayon ay hinihiling na tumulong sa pagsasagawa ng mga solusyon sa nasabing oil spill.
Posible na rin umanong humingi ng tulong sa ibang bansa tulad ng Japan at Indonesia upang kontrolin ang pagkalat ng langis mula sa lumubog na oil tanker.
Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Rear Admiral Armand Balilo, sila ay nakakuha ng mga aral mula sa kamakailang 2.1 milyong litro ng bunker fuel na tumapon galing naman MT Solar One sa karagatan ng Guimaras.
Aniya, nahirapan silang resolbahin ang Guimaras oil spill ngunit may mga ginawa na silang kahandaan ukol dito na kung saan magagamit nila ngayon sa nangyaring paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Una na rito, patuloy pa din ang isinasagawang mga inspection at pagpigil sa pagkalat ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker na may kargang 800,000 liters na fuel oil.