-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na gaya ng mga nagdaang araw ay nagiging maganda ang kondisyon nito.

Subalit nilinaw nila na kanilang patuloy na oobserbahan ang lagay ng kalusugan niya habang ito ay nasa Gemelli Hospital sa Rome.

Nagiging mabagal din ang recovery ng Santo Papa at kakailanganin ng ilang araw para tuluyang gumanda ang kalusugan nito.

Dahil dito ay minabuti rin ng mga doctor nito na limitahan ang paglabas ng medical update kumpara noong nagdaang linggo.

Magugunitang umabot na sa isang buwan ang pananatili ng 88-anyos na Argentinian pope sa pagamutan.