Plano ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na gumamit ng Artificial Intelligence(AI) sa healthcare system nito.
Ito ay upang mapabilis ang pagproseso ng mga health insurance at claims ng mga miyembro.
Sa kasalukuyan, ayon sa Philhealth, inaayos na ang ilang mga panuntunan na susundin o gagamitin sa pagpasok ng AI sa sistema nito. Kabilang na dito ang pagtatayo ng AI-powered system
Kabilang sa mga inaasahang magiging resulta nito ay ang mabilis na approval ng claims, pagkakatanggal sa manual intervention, at real time na pagbabayad sa pamamagitan ng mga partner agencies.
Maging ang ugnayan ng Philhealth at mga health facilities ay inaasahan din na magiging mas madali sa pamamagitan ng AI.
Ayon sa state-run healthcare system, ang paggamit ng AI ay tiyak na makakapagpabuti sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.