Hindi ganap na ipagbabawal ng Commission on Elections ang paggamit ng artificial inteligence para sa pangangampaniya sa 2025 midterm elections.
Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag nang tanungin ni Senator Francis Tolentino kaugnay sa inilabas na guidelines ng poll body kaugnay sa digital election campaign sa budget hearing ng Senate subcommittee on finance sa 2025 proposed budget ng Comelec.
Paliwanag ng opisyal na maayos at maganda naman ang AI kapag ito ay nagamit nang maayos subalit iniiwasan din aniya ang misinformation, disinformation at fake news.
Saad pa ng poll body chief na sa ilalim ng guidelines dapat na i-disclose ang AI usage at paggamit ng kaukulang teknolohiya ng social media accounts at iba pang mga digital platforms ng mga kandidato para matukoy ang pagiging lehitimo ng source.
Kabilang na dito ang pagsisiwalat na ang isang partikular na content ay ginamitan ng AI.
Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang platforms para ma-monitor ang election-related content.
Top