Nagdesisyon ang gobyerno ng Australia na kanila ng i-phase out ang paggamit ng AstraZeneca-Oxford coronavirus vaccine simula buwan ng Oktubre.
Inilabas ni COVID-19 Task Force commander Lt. Gen John Frewen ang Department of Health projections na nagdedetalye sa mga doses ng bakuna sa bawat estado at teritoryo na ilalaan bawat linggo sa natitirang taon.
Inihayag nito na ang Australia ay makakatanggap sa pagitan ng 1.7 milyon at 2.3 milyong doses ng bakuna ng Pfizer’s COVID-19 bawat linggo mula sa pagsisimula ng Oktubre na may 650,000 bawat linggo sa Hulyo at Agosto.
Ang bakunang AstraZeneca ay kasalukuyang inirerekomenda lamang para sa mga Australyano na nag-e-edad 60-anyos pataas ngunit marami ang may gustong gumamit ng Pfizer.
Lumabas din ang report na inaasahan ng gobyerno na ang bakunang Moderna ay magagamit mula Setyembre, na may 87,000 na doses na ipapamahagi bawat linggo.
Nilinaw naman ni Frewen na maaari pa ring gamitin ang bakunang AstraZeneca kapag may mag-request nito.
Napag-alaman na ang Australia ay kumuha ng 53.8 million doses ng AstraZeneca vaccines. (with reports from Bombo Jane Buna)