-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpaalala ngayon ang Pigcawayan PNP sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng improvised na paputok o boga.

Ayon kay Pigcawayan chief of police Major Carl Jayson Baynosa, na itoy bahagi ng kanilang kampanya para maiwasan ang disgrasya at para na rin sa kapakanan ng mga kabataan lalo na ngayong papalit na ang kapaskuhan at bagong taon.

Nagbahay-bahay ang mga pulis sa Sitio Barugkot, Brgy. Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato upang ipaalam ito sa mga magulang ng mga kabataan na madalas na gumagamit nito.

Marami kasing mga concern citizen ang nababahala sa ngayon dahil nga sa maingay ito at inaakala ng ibang indibidwal ay putok ito ng baril.

Samantala, nagpapasalamat ang Pigcawayan Mucipal Police Station sa bawat pamilya sa nasabing barangay sa pagbibigay nila ng kooperasyon sa naturang aktibidad.