Pinag-aaralan ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang posibilidad ng paggamit ng cable cars para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ito ay kasunod na rin ng pakikipagkita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa French Transport company na POMA group, na naglatag ng konsepto ng cable car para sa metropolis base na rin sa mga konsultasyon sa Department of Transportation.
Matapos kasi ang 2 taong pag-aaral, nadiskubre ng naturang kompaniya na feasible na magtayo ng cable car corridor sa may Marikina River na napapagitnaan ng Marikina city, Quezon city at Pasig city.
Sa oras na makumpleto, ang cable car system ay magkokonekta sa Light Rail Transit 2 station sa Santolan at Eastwood, Libis area sa pamamagitan ng upcoming Metro Rail Transit 4.
Ayon sa kompaniya, inaasahang mas mapapabilis na ang travel time o oras ng biyahe ng 30,000 hanggang 40,000 commuters.