(Update) NAGA CITY – Nananatili pang kritikal ang isa katao, habang nasa mabuting kalagayan na ang apat na iba pa na tinamaan ng kidlat sa Barangay San Vicente, Canaman, Camarines Sur.
Una rito ayon kay Alvin Dela Rosa, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head ng Canaman, pasado alas-5:00 ng hapon kahapon nang magpahinga ang anim na trabahador sa kanilang barracks na malapit sa isang mangga.
Doon na umano ang mga ito inabutan ng ulan na may kasamang kulog at kidlat hanggang sa bigla na lamang tinamaan ang mga ito na naging dahilan para magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Napuruhan ang isa sa anim, habang nagpapadaling pa ang lima.
Pinaniniwalaan naman na ang paggamit ng cellphone ng isa sa mga biktima ang posibleng naging dahilan para tamaan sila ng kidlat.
Kung maaalala, kamakailan lamang ng mahigit sa 50 pamilya sa naturang bayan ang naapektuhan matapos tumama rin ang isang buhawi sa lugar.