-- Advertisements --

Mayroong magandang proteksyon sa katawan ang paggamit ng dalawang uri ng COVID-19 sa una at ikalawang doses.

Ito ang lumabas na pag-aaral mula sa United Kingdom na ang Com-Cov trial ay mabisa.

Maaaring mabisa ang dalawang dose ng Pfizer, dalawan dose ng AstraZeneca o kahit kumbinasyon ng dalawang nabanggit na bakuna.

Lumabas kasi sa resulta ng trial na ang naturukan na ng dalawang doses ng AstraZeneca vaccine ay may malakas na immune response kung sila ay mabigyan pa ng karagdagang boosters.

Sinabi naman ni UK deputy chief medical officer, Prof. Jonathan Van-Tam na maaring gawin ito sa mga bansang mayroong maraming suplay ng bakuna laban sa COVID-19.