-- Advertisements --

Ipinagbawal ng Taiwan ang paggamit ng DeepSeek sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at kritikal na imprastruktura.

Sa isang statement, sinabi ng Taiwan Ministry of Digital Affairs na ang DeepSeek AI service ay isang produkto ng China at maaari aniya nitong mailagay sa panganib ang kanilang national information security.

Saklaw aniya ng operasyon nito ang cross-border transmission at information leakage at iba pang information security concerns.

Una rito, matagal ng inaakusahan ng Taiwan ang China na gumagamit ito ng “grey zone” tactics laban sa kanila kabilang ang cyberattacks sa gitna ng paga-angkin ng higanteng bansa sa Taiwan bilang parte umano ng kanilang teritoryo.

Ang DeepSeek ay isang libreng AI-powered chatbot na gawa ng China na gumagana tulad ng ChatGPT.

Nakapa-advance nito subalit mayroon itong seryosong problema pagdating sa privacy ng user Lalo na sa kung paano nito kinakalap at iniimbak ang user data.

Kamakailan napaulat na ipinagbawal ng US Navy ang DeepSeek app sa security at ethical grounds dahil sa mga concern kaugnay sa pinagmulan at gamit ng naturang AI model.

Ilang mga bansa na rin ang kumuwestiyon sa data practices ng Chinese AI startup kabilang ang South Korea, Ireland, France, Australia at Italy.