Nakatakdang ilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasama na ng Philippine Payments Management, Inc., (PPMI) ang tatlong e-payment streams bilang bahagi ng pagpapalawak ng paggamit ng digital payments sa loob ng dalawang taon.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang central bank at PPMI ay ilulunsad ang Bills Pay, Request to Pay, at Direct Debit facilities.
Sa ilalim ng programa ng BSP Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR) 2020-2023, target ng BSP na ma-convert ang 50 percent ng volume ng retail payments patungo sa digital form.
Habang umaasa rin ang BSP na 70 percent ng mga Filipino adults ay gumamit na rin ng formal financial system sa taong 2023.
Ang Philippine Payments Management, Inc., ay ka-partner ng BSP na accredited para mangasiwa sa Payment System Management Body sa ilalim ng National Payment Systems Act.