NAGA CITY- Pormal ng ginawang ordinansa ang pag-oobliga sa mga establishimento sa lungsod ng Naga na gumamit ng E-salvar contact tracing app.
Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na sa tulong ng Sanguniang Panglungsod ng Naga napadali ang pagpasa ng Ordinance No.2020-086 o ang Digital Contact Traicing System Ordinance.
Ayon dito, malaking tulong ang nasabing app para mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa lungsod.
Nabatid na hindi na umano papayagan pa ang bawat establishimento na magpapasok ng mga costumer na hindi gumagamit ng QR ID Card.
Maliban dito kinakailangan rin umanong mag register sa nasabing app ang bawat indibidwal na papasok sa lungsod.
Samantala mahaharap naman sa penalty ang bawat establishimento o indibiwal na mapapatunayan na hindi sumusunod sa nasabing ordinansa.