-- Advertisements --

Hindi na gagawing mandatory ang pagsusuot ng face mask sa New Zealand.

Ang nasabing hakbang ay ipinatupad matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

Tanging ang Auckland lamang ang may restrictions na papayagan ang mga pagtitipon ng hanggang 100 katao lamang.

Magugunitang pinuri ang New Zealand dahil sa magandang pag-respondi nito sa COVID-19 kung saan bumalik sa normal ang pamumuhay.

Ibinalik ang lockdown noong Agosto matapos ang second-wave ng COVID-19 na tumama sa Auckland.

Pumalo na sa 1,468 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa New Zealand na mayroong 25 na ang nasawi.