-- Advertisements --

Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.

Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas ay malaking tulong aniya ito para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag munang itapon ang mga face shields dahil ito ay magagamit bilang doble proteksyon.

“Continue using it I advise you,” ani Pres. Duterte. “I really firmly believe that the wearing of face shield has contributed a lot.”

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay tinanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng face shield matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“It might be not really a well-studied proposition but I would dare say that the shield will add another layer of protection,” giit pa ng pangulo.