-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi na mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 3, 2 at 1.

Sa memorandum na inilabas ni Execuitve Secretary Salvador Medialdea, nakapaloob dito na pumayag na ang pangulo sa nasabing hiling ng maraming alkalde.

Magiging mandatory lamang ang face shields sa mga lugar na nasa Alert Level 5 o ang pinakamataas na classification ng gobyerno at mga lugar na nasa granular lockdowns.

Sa mga nasa lugar na Alert Level 4 naman ay mayroong discretion na ang mga local government at private establishments kung kanilang gagawing mandatory o hindi ang face shields.

Magugunitang may ilang local government units sa Metro Manila at sa ibang probinsiya ang naghain na ng ordinansa sa hindi na paggamit ng mga face shields.

protocosl faceshields