-- Advertisements --

Inatasan ni US President Donald Trump ang mga mamamayan na dapat magsuot sila ng facemask para maiwasan na ang pagkalat ng coronavirus.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) matapos na nanguna ang US sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus sa buong mundo.

Paglilinaw din naman nito na bagamat may kautusan ang CDC ay hindi siya naniniwala na epektibo ang pagsusuot ng facemask dahil mahalaga pa rin ang tinatawag ng social distancing para hindi na makahawa pa.

Dapat aniya na iprioridad ang paggamit ng mga surgical at medical mask sa mga frontliners.

Nakatakda ring pirmahan ng US President ang Defense Production Act sa pagbabawal ng pag-export ng mga mask para mabigyan ng prioridad ang kanilang bansa.