-- Advertisements --
LONDON, England – Pinaiimbestigahan na sa Information Commissioner’s Office (ICO) sa United Kingdom (UK) ang ginagamit na face-scanning system sa King’s Cross na major rail hub doon.
Nais malaman ng isang data-protection watchdog kung paano iniingatan ang nakakalap na impormasyon mula sa kuha ng mga camera sa lugar.
Mapanganib daw kasing magamit ito sa iba’t-ibang iligal na gawain kapag nag-leak sa anumang paraan.
Unang lumitaw sa ‘The Financial Times’ ang ulat ukol sa live face-scanning system sa 67-acre area ng rail hub. (BBC)