-- Advertisements --

Iginiit ng pinuno ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) na wala pang sapat na ebidensyang magpapatunay na dapat irekomenda ang anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga mild to moderate coronavirus patients.

Ayon kay PSMID President Dr. Marissa Alejandara, hindi ibig sabihin nito ay sinasara na ang pintuan para sa posibilidad na gamitin ang Ivermectin dahil nagpapatuloy pa naman aniya ang clinical trials nito.

Sa ngayon daw kasi ay kulang pa talaga ang mga impormasyon na magpapatunay na epektibo ang naturang gamot para labanan ang deadly virus.

Nilinaw din ng doktor na walang miracle drug na kayang gamutin ang isang COVID-19 patient at hindi rin umano kayang i-manage sa ngayon ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng isang gamot lang.

“Ivermectin is just one drug. There are other drugs that are already tried in big trials. The management of COVID-19 is not like one drug will heal the COVID-19 virus,” dagdag ni Alejandria.

Samantala, posible namang magsimula sa Mayo ang local clinical trials para sa Ivermectin.

Ito’y matapos isiwalat ni Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya na target ng ahensya na kumuha ng 1,200 participants para sa naturang clinical trial.