Hindi pa rin suportado ng Department of Health ang paggamit ng marijuana sa bansa kahit pa ito ay para sa medikal na pangangailangan.
Sinabi ng ahensya, ang paggamit ng medical cannabis ay itinuturing nilang ilegal.
Nanawagan rin ito sa mga mambabatas na ikonsidera ang kakayahan ng pamahalaan para sa pagregulate nito sakaling maging batas ang panukalang gamitin ito bilang gamot sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman.
Kinakailangan rin na magsagawa muna ng mga masusing pag-aaral at mangalap ng scientific evidence para matukoy kung magiging epektibo ito sa publiko
Iginiit pa ng ahensya na ang paggamit nito ay may katapat na parusa sa batas maliban na lamang kung ito ay gagamitin para sa compassionate use o permit mula sa Food and Drug Administration.