Nagbotohan ang panel ng mga expert advisers ng US Food and Drug Administration upang pahintulutan ang antiviral pill ng Merck & Co na gamutin ang COVID-19.
Nag-publish ang U.S. drugmaker ng data noong nakaraang linggo na nagmumungkahi na ang gamot ay hindi gaanong epektibo kaysa inaasahan na binabawasan nito ang hospitalizations at deaths batay sa clinical trial.
Gayunpaman, ang mga gamot tulad ng Merck’s molnupiravir, na binuo gamit ang Ridgeback Biotherapeutics, ay malamang na maging mahalagang therapeutic tool na maaaring gamitin ng tao sa bahay sa sandaling lumitaw ang mga sintomas ng COVID-19.
Ang Antimicrobial Drugs Advisory Committee ng FDA ay bumoto ng 13-10 upang irekomenda ang ahensya na pahintulutan ang gamot pagkatapos talakayin ang mga alalahanin na ang gamot ay maaaring maging sanhi ng pag-mutate ng virus pati na rin ang mga alalahanin sa kaligtasan may kaugnayan sa birth defects
Dahil dito, parehong iminungkahi ng mga staff ng FDA at Merck na hindi dapat irekomenda ang gamot sa panahon ng pagbubuntis.
Nangyari ang botohan dahil sa mga pangamba tungkol sa bagong variant ng Omicron na maaaring magdulot ng pagbagsak ng financial markets at nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa global economic recovery habang patuloy na nilalabanan ng mundo ang pandemya ng coronavirus.Top