-- Advertisements --
Umani ng batikos ang paggamit ng ambulansya ng mga celebrities at mga well-paid tutors sa Iran para maiwasan ang matinding trapiko sa Tehran.
Dahil dito ay naglabas ng kautusan ang prosecutor-general ng Tehran sa paglimita ng paggamit ng mga pampribadong ambulansya.
Paliwanag naman ng may-ari ng privat ambulances na hindi lamang para sa mga mayayaman o kilalang tao ang maaaring gumamit ng ambulansya para makaiwas sa matinding trapiko.
Dahil dito ay nagalit ang maraming mga mamamayan na dapat alam ng mga otoridad ang tamang paggamit ng ambulansya.