-- Advertisements --
Comelec voters list
IMAGE | Comelec voters list (Comelec file photo)

Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa ilang kandidato na ginagamit umano ang personal na datos ng mga botante para sa halalan.

Ayon kay NPC chairman Raymund Liboro, malinaw na paglabag ito sa Data Privacy Act at posibleng maharap sa parusa ang mapapatunayang lumabag dito.

Kamakailan nang pumutok sa social media ang post ng ilang indibidwal na nagsabing nakatanggap sila ng “precinct locater” card mula sa mga kandidato.

Nakalagay din umano rito ang personal data ng mga botante.

“They have the obligation to ensure that all personal data processing related to any of their partisan political activity satisfy the criteria for lawful processing as provided for in the Data Privacy Act,” ani Liboro.

Sa ngayon iniimbestigahan na raw ng NPC ang ulat para matukoy kung talagang nilabag ng inaakusahang mga opisyal ang batas.

“Failure to uphold data subject rights in processing voter information may subject political parties and candidates to penalties for possible violations of the DPA.”

Nanawagan din ang tanggapan sa publiko na alamin at protektahan ang kanilang karapatan sa data privacy.