ILOILO CITY- Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga politiko na gumagamit ng mga private armed groups (PAG’s) sa Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Brigadier General John Bulalacao, regional director ng Police Regional Office (PRO) 6, sinabi nito na sa ngayon mahigpit ang kanilang ginagawang monitoring sa mga PAG’s.
Ayon kay Bulalacao, sa ngayon mas pinaigting pa nila ang ginagawang pagbabantay lalo na sa mga lugar na isinailalim sa election hot spot.
Napag-alaman na mainit ngayon ang kampanya lalo na sa Northern Iloilo kung saan maraming mga kandidato ang gumagamit umano ng armed goons upang manakot ng mga botante at magsagawa ng vote buying.
Sa ngayon, mahigpit rin ang pag-iingat ng PNP sa posibleng pagsagawa ng karahasan ng mga armed groups lalo na sa bisperas ng eleksyon.