Inaprubahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH ) ang paggamit ng shredded plastic wastes sa mga kalsada.
Ito ay batay sa department order no. 139, series of 2024 na nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Sa ilalim nito, ang paggamit ng mga recycled material ay pinapayagan na sa konstrucksyon o paggawa ng mga kalsada at pinapayagan ang mga regional at district Engineering Office na ipasok ito sa kanilang mga proyekto.
Ito ay inaasahang magpapatibay sa kakayahan ng mga aspalyo na kadalasang ginagamit sa mga kakalsadahan sa buong Pilipinas. Inaasahan ding mapapahaba ang buhay ng mga konkreto sa pamamagitan ng bagong sistema.
Sa ilalim ng naturang do, gagamitin ang Low-Density Polyethylene (LDP) na plastic na nakukuha sa mga basura bilang dagdag na sangkap sa aspalto.
Una nang kinumpirma ng DPWH Bureau of Research and standards na pumasa sa sa lahat ng mga standard na sinusunod ang planong paghahalo ng mga plastic waste sa gagamiting mga aspalto.
Ayon DPWH, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsuporta ng dpwh sa sustainable engineering.
Bahagi rin umano ito ng nagpapatuloy na pagpasok ng research at teknolohiya sa pagpapatayo at konstruksyon ng mga pasilidad.