-- Advertisements --
Pinayuhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga guro na iwasan ang pagbibigay ng mga homeworks at projects na ibinabase sa mga social media.
Sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio, na maraming silang natanggap na reklamo sa kanilang himpilan na nag-aatas ng paggamit ng social media.
Posible aniya na magamit ang mga pribadong impormasyon ng mga mag-aaral.
Ikinalaarma kasi ng DICT na gumagamit na lamang mga guro ng social media gaya ng paramihan ng ‘Likes’ upang maipasa ang isang proyekto.