-- Advertisements --
Pinagbawal na sa buong probinsiya ng Cavite ang paggamit ng videoke, karaoke at kahalintulad nito sa anumang oras ng araw.
Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla, na ang nasabing hakbang ay para matutukan ng mga mag-aaral sa kanilang online classes.
Nagbunsod ang pagbabawal dahil sa dami ng mga reklamo na natanggap ng kaniyang opisina sa walang humpay na paggamit ng videoke.
Kanila munang pagsasabihan ang mga unang lumabag at may multang P500 sa ikalawang paglabag at P1,000 sa ikatlong paglabag.