-- Advertisements --
image 4

Tatanggalin na ng Bureau of Immigration (BI) ang paggamit ng paper-based departure cards simula sa Mayo 1.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapalawig pa ng eTravel platform na inilunsad noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang naturang platform ang gagamitin pareho para sa mga aalis at darating na mga pasahero sa bansa.

Sa pamamagitan din nito, hindi na kailangan pa ng mga biyahero na mag-fill out ng departure cards sa halip ay maaaring mag-log in na lamang sa online portal bago ang kanilang flight.

Simula din sa Abril 15, ang mga aalis na pasahero ay maaaring mag-log in na lamang sa eTravel platform nang hindi lalagpas sa 72 oras upang hindi lumagpas sa tatlong oras mula sa scheduled time ng kanilang flight.

Ang development na ito ay isang malaking hakbang para sa mas mabilis na pagpresenta ng mga dokumento bago ang departure ng mga biyahero na malaking tulong din para sa mas mabilis at episyenteng mga proseso sa immigration.