Naniniwala si Senador Sherwin Win Gatchalian na malaki ang nawawala sa gobyerno dahil sa talamak na paggamit ng mga pekeng PWD IDs.
Batay sa datos , aabot sa P88.2 billion ang nawalang buwis sa gobyerno nitong 2023 dahil sa ganitong mga modus.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means.
Aniya, sa kabuuan ay aabot sa mahigit 8.5 million ang illegitimate PWD sa bansa pero 1.8 milyon lamang ang lehitimong PWD na dapat sana ay nabigyan ng kaukulang ID.
Sinabi ng Senador na dahil sa mga pekeng ID na ito ay pumalo sa P166 billion ang halaga ng discount na naipagkaloob ng mga business establishment katulad na lamang ng mga restaurant.
Ang pahayag ni Gatchalian ay sinang-ayunan naman ng Department of Finance at sinabing hindi nagsisinungaling ang datos na ito.
Ayon ahensya, apektado ang mga general consumer dahil sila ang sumasalo sa discount na nakukuha ng mga pekeng PWD ID holder sa bansa.
Paliwanag naman ng humarap na negosyante sa pagdinig na nagreresulta ito kayat napipilitan silang magtaas ng presyo sa kanilang mga pagkain