-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nailunsad ng RIATF 12 ang video Conference para sa mga probinsya at syudad kaugnay sa paggamit ng R12-CCTS o Contact Tracing System. Naging representative ni Governor Nancy Catamco si PIATF ICP Head, BM Dr Philbert Malaluan.

Sinabi ni BM Malaluan na kabilang rin sa mga naging highlight ng zoom meeting ang kompirmasyon ni DILG Regional Director Josephine Leysa na may local transmission na ng COVID-19 sa Polomolok (South Cotabato), Isulan (Sultan Kudarat) at General Santos City.

Kaugnay nito hiniling ng DILG XII ang unified at digital na contact tracing ng mga LGU ng SOCCSKSARGEN Region na kailangang gawing prayoridad sa ngayon.

Ipinaliwanag ni BM Malaluan na ang contact tracing ay mahalagang aspeto para ma-identify at ma-monitor ang mga contacts ng mga confirmed positive na kaso ng COVID-19. Sa maagap na contact tracing, maiiwasan ang transmisyon ng virus.

Kabilang rin sa natalakay ang Localized lockdown sa Maasim at Surallah na pinayagan ng RIATF.

Nilinaw rin sa zoom meeting ang deklarasyon ng Regional lockdown na nangangahulugan ng mas striktong pagpapatupad ng alituntunin para sa mga bumibyahe papasok ng Region 12.