-- Advertisements --

Ipinagbabawal na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit ng mga social media platforms habang nasa loob ng mga piitan sa buong bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang pagbabawal ng paggamit ng mga social media sa loob ng mga kulungan ay para sa seguridad at para mapanatili din sa loob ng mga pasilidad ang professionalism.

Kung ang paggamit ng social media sa loob ng mga piitan ay para sa mga communication matters, minabuti na rin ng BuCor na magkaroon ng official BuCor e-mails na siyang maaaring gamitin ng mga personnels para sa mas epektibong komunikasyon.

Nagbabala naman si Catapang na kung sino man ang mahuli na lumalabag sa polisiyang ito ay agad na mapapatawan ng mga administrative sanctions.

Nauna na rito ay matatandaang ipinagbawal na rin ang paggamit ng mga cellular phones sa loob ng mga prison facalities at ng mga penal farms dahil sa mga maaaring kaso ng pagpapasok ng mga smuggled cellphones sa loob ng mga piitan.

Kasunod nito ay ipinagutos ni Catapang ang paggamit ng mga two-way radio sa mga personnels para masigurong lahat ay susunod sa naturang polisiya.