-- Advertisements --
Pansamantalang ipinagbawal sa Indonesia ang paggamit ng social media upang mapigilan ang pagkalat ng mga maling balita.
Ito ay kasunod ng kabi-kabilang riot na umusbong sa Jakarta matapos manalo ni Joko Widodo bilang pangulo muli ng nasabing bansa.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, karamihan daw sa mga kumakalat na fake news ay nagtatawag ng karahasan.
Ayon kay Chief security minister Wiranto, magkakaroon umano ng limitasyon ang pagkakaroon ng access sa iba’t ibang features ng social media upang maiwasan ang lalong pagkalat ng mga maling balita.
Una nang naitala rito na umabot na sa anim katao ang namatay at 200 naman ang sugatan dahil sa malawakang kilos protesta ng mamamayan.