-- Advertisements --

Muling nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGU) na itigil na ang paggamit ng iba’t ibang uri ng contact tracing application at sa halip ay gamitin na lamang ang StaySafe application.

Hindi na raw kailangan ng bawat LGU na gumawa pa ng ibang uri ng contact tracing applications.

Sakaling nakagawa na ang LGU ng sariling contact tracing app ay maari namang ipa-integrate ito sa contact tracing app ng gobyerno.

Ayon kay DIILG spokesperson Jonathan Malaya, sakaling mayroon ng unified system ang gobyerno ay lalong mapapalakas ang contact tracing efforts ng gobyerno.

Inaayos na rin ng developer ng StaySafe na Multisyss ang application para ito ay maipasakamay na sa DILG.

Kapag naipasakamay na sa kanila ang nasabing app ay magsasagawa sila ng pagpupulong sa mga LGU.