Ilan umano sa aktibidad ng electronic surveillance na ginagamit ng Federal Bureau Investigation (FBI) ang lumalabag sa constitutional privacy rights ng mga Americans.
Base sa ruling ng secretive surveillance court, sinaway nito ang ginagamit na spying programs ng FBI na naging basehan ng legal challenge at pag-review matapos ang pag-atake na isinagawa noong Sept. 11, 2001.
Dahil dito, nagdesisyon ang FBI na siguraduhing ligtas ang privacy at nagpatupad din ito ng mga bagong procedures, kasama na rito ang pag-record kung paano sini-search ang database upang malaman kaagad kung magkaroon man nang problema sa hinaharap.
Dagdag pa ng korte, hindi raw maayos ang ginagawang pananaliksik ng FBI sa database ng raw intelligence upang makakuha sila ng impormasyon tungkol sa kanilang mamamayan.