Tiniyak ng kumpanyang Signify Philippines na kasama sila sa paglaban ng Climate change ang bansa.
Sa inilunsad na ‘Flip the Green Switch for a Sustainable Philippines’ nitong Marso 15 ay ipinakita ng kumpany na tumutugon sila sa Energy Efficiency and Conservation Act sa pamamagitan ng pagsulong tamang paggamit ng enerhiya sa pribado man o pampubliko.
Isang halimbawa dito ay ang paglipat mula sa conventional na ilaw patungo sa energy-efficient light-emitting diodes (LED) at mga connected lighting.
Layon ng Green Switch ay para makamit ang zero carbon emissions sa pamamagitan ng simple at mabilis na paraan ng pagpapailaw.
Dumalo sa nasabing pagtitipon si Senator Sherwin Gatchalian na siyang may-akda ng Energy Effiiciency and Conservation Act.
Ayon sa Senador na kahit naipasa na ang batas noong 2019 ay malayo pa ang Pilipinas bago tuluyang ito ay nasusunod ng mga kabahayan.
Kasamang nagbigay din ng kanilang mga kaalaman sina Director Patrick Aquino ng Department of Energy, Alexander Ablaza, President of the Philippines Energy Efficiency Alliance, Inc. at Dr Neil Stephen A. Lopez mula De La Salle University.