-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala umanong problema kay Mayor Inday Sara Duterte Carpio kung gagamit ng torotot ngayong darating na kapaskohan at pagsalubong sa bagong taon.

Ngunit nilinaw nito na kailangan lamang na gagawin ito sa loob ng bahay at kasama ang pamilya.

Pinayagan rin ng alkalde ang videoke ngunit dapat mga kamag- anak lamang ang kasama.

Kung maalala, una ng nagpalabas ng kautusan ang Department of Health (DOH) na ipagbawal ang Torotot ngayon panahon ng kapaskuhan lalo na at isa ito sa posibilidad na panggagalingan ng Covid-19.

Nilanaw rin ni Mayor Inday na kahit noong nagsimula ang pandemic bawal na ang parehong aktibidad lalo na kung maraming tao dahilan na sang-ayon rin siya sa panawagan ng Department of Health (DOH) na huwag na lamang itong gagawin.