CENTRAL MINDANAO-Isinagawa sa DENR-PENRO Conference Hall ng Digos City ang Protected Area Management Board (PAMB) Research Committee Meeting.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyal at kawani mula sa Department of Environment and Natural Resources, Bansalan and Digos Water Districts,. Digos Tourism Office at iba pang local government units upang pag-usapan ang paggamit ng Unmanned Aerial Vehicles (AUV) ng kompanyang Unifruiti at Musahamat sa pag spray ng kanilang plantasyon ng saging partikular na sa area ng Kapatagan, Digos, City at ibang lugar sa Mindanao.
Naging kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa pagpupulong si Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Sarah Joy Simblante kung saan binigyang diin nito na mahigpit na ipinagbabawal sa lalawigan ng Cotabato ang aerial spraying lalo na sa mga protected areas, watersheds at lupang inilaan para sa organikong pagsasaka.
Nabanggit din nito na pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Governor Mendoza ang pangangalaga sa kalikasan upang malabanan ang epekto ng climate change o pagbabago ng klima.
Sa kanyang pagtatapos sinabi nito na nasa kamay na ng Digos LGU ang pagpapasya at siya ay umaasa na masusunod ang mga polisiyang itinakda ng PAMB.
Naimbitahan rin sa nasabing pagpupulong ang mga piling kawani mula sa Cotabato Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Planning and Development Coordinator at Provincial Environment and Natural Resources Office.(Bombo Garry Fuerzas)