-- Advertisements --

Ipinapaimbestiga sa mga otoridad ng South Korea ang paggamit ng vape ni Blackpink member na si Jennie.

Makikita sa video sa channel ng singer na ito ay humithit ng vape habang ito ay inaayusan ng make-up artist niya.

Matapos ang natanggap na batikos mula sa mga fans ay dinelet na nila ang nasabing video.

Itinuturing kasi na iligal sa South Korea ang ang paggamit ng sigarilyo o vapes sa loob ng establishimento.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng South Korea na nakatanggap sila ng petitions para imbestigahan ang nasabing insidente.

Humingi na rin ng paumanin ang agency na may hawak sa singer kung saan labis nilang pinagsisisihan ang insidente.