BAGUIO CITY – Sinisiyasat ngayon ng mga otoridad ang puno’t dulo sa paggamit ng pangalan ng incoming mayor ng Baguio sa pangingikil sa mga ibat ibang establisimento sa siyudad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay incoming Baguio Mayor Benjamin Magalong, sinabi niya na hindi niya magagawa ang pangingikil o paghingi ng pera at pagkain sa iba’t ibang tao o establisimento.
Sinabi niya na “modus” at “abnormal” na tao ang gumagamit sa pangalan niya para magsagawa ng pangingikil gaya ng paghihingi ng P12,000 na load.
Hinihikayat niya ang publiko, mga negosyante, at ang mga establishemento na maging alerto sa mga lumalapit na indibidual na humihingi ng anumang bagay at pera na gumagamit ng pangalan na iparating nila sa mga otoridad ang mga nasabing insidente.