Pansamantalang itinigil muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang pamamahagi ng Remdisivir at Tocilizumab para sa mga pasyente ng severe COVID-19 infections.
Ito ay sa kadahilanang bumaba ng husto ang suplay ng mga nasabing gamot.
Sa anunsiyo ng hospital management, iginiit nila na ang mga pasyenteng may severe COVID infections lang ang bibigyan ng gamot dahil umabot na sa “critical” ang stock level nito sa kanilang parmasiya.
Nauna nang lumabas sa data mula sa Department of Health (DOH), nasa kritikal level na ang hospital’s COVID-19 facilities nito at nasa 97.8 percent na rin ang bed occupancy rate nito.
Umabot na rin sa 75 percent occupied ang ICU beds; 96.2 percent ng isolations beds ay occupied habang 100 percent ang utilized.