-- Advertisements --

Muling ipinagpatuloy ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig kaugnay sa ginawang paggastos ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) at ng Deparment of Education (DepED) partikular ang confidential at intelligence funds sa ilalim ng liderato ni VP Sara Duterte.

Binigyang-diin ni Manila Representative Joel Chua na siyang chairman ng komite na  karapatan ng mamamayan na malaman kung saan ginastos ang pondo mula sa kaban ng bayan.

Hinikayat ni Chua ang iba pang kawani ng pamahalaan na may kinalaman at kaalaman tungkol sa mga transaksiyon na iniimbestigahan ng kamara na lumantad at lumapit sa House Blue Ribbon Committee upang ihayag ang kanilang nalalaman ng sa gayon mabatid ang katotohanan hinggil sa paggamit ng pondo.

Giit ni Chua na hindi dapat ang mga kababayan natin na umaako sa mga buwis ang maghihirap malaman ang katotohanan.

Binigyang-diin ng Kongresista na ang Kamara ang guardian ng public funds kaya nararapat na malaman ng publiko kung saan napupunta ang pondo at kung nagamit ito ng maayos.