Natapos ng gawin ang kabuuang 110,620 Automated Counting Machines (ACMs) mula South Korea na gagamitin para sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), natapos ito ng mas maaga o 2 buwan bago ang deadline sa Disyembre 2024.
Ang huling unit ng ACMs mula sa MIRU production plant sa SoKor ay ginawa 2 buwang mas maaga kesa sa deadline, gayundin ang peripherals gaya ng external batteries, power cords, SD cards, thermal paper, smartcards para sa electoral board at iba pa.
Samantala, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inaasahang idedeliver ang huling batch ng ACMs mula SoKor sa Pilipinas sa Nobiyembre.
Sa ngayon, mayroon ng 78,456 ang nadeliver sa bansa na nasa BiƱan warehouse habang ang ilan sa huling batch na binubuo ng 32,164 ACMs ay posibleng nasa Bureau of Customs na para sa clearing, sa transit o patungo sa Busan port para sa shipping dito sa Pilipinas.