-- Advertisements --

Tiniyak ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na matatapos sa takdang oras ang konstruksyon sa modernong sports complex na gagamitin sa pag-host ng Pilipinas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

“This is on time and on budget. That’s because they manage it well,” wika ni Dominguez.

Magsisilbing main hub ang nasabing sports complex na bahagi ng Phase 1A ng New Clark City National Government Administrative Center.

Inaasahang tatampok dito ang 20,000-seater Athletics Stadium, 2,000-seater Aquatics Center, at Athletes’ Village, na napapaligiran ng 1.4-km river park development na mayroong bikeways at jogging paths.

Idaraos ang SEA Games dito sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.